Financial accounting thingy.

I’ve heard so much sa subject na ito. And naiisip ko pa lang parang napaka-kumplikado na, parang nabubuhol na mga litid ng utak ko. Parang hindi ko na kaya. Parang malapit ko ng ibagsak or idrop. Parang gusto ko ng magshift.

Pero syempre joke lang, try and try lang daw. Pero oo swear, kinakabahan ako dito. Parang kinikiliti ‘yong tiyan ko pag naririnig ko to. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko pag pinag-uusapan to. Pakiramdam ko, ito ‘yong subject na ieenrol ko ng twice hahaha. Pero syempre hindi ko hahayaan magkaganon.

Sabi kasi nila ito ang pinaka mahirap na subject ng Accounting. Dito daw nakasalalay ang buhay ko sa Auditing pagdating ng higher year. At natatakot na talaga ako. At ngayon pa lang binabasa ko na siya paunti-unti at good news dahil naiintindihan ko siya, pero ang bad news hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko.

Nasa cash pa lang ako, at hindi ko pa alam ang gagawin ko kung sakaling tatanungin ako ng instructorko kung ano ang idea ko about sa subject na ito. Baka mamaya tanungin ako ng mga past lessons sa Par&Cor at wala ako maisasagot, baka mamaya bulyawan ako non at sabihin na sana hindi dapat ako nakarating sa 2nd year.

Natatakot talaga ako. Hindi ko alam gagawin ko, hindi pa nagsisimula ang klase pero naiistress na ako kung paano ko sisimulan mag-advance reading.

Siguro, itutuloy ko na tong pagbabasa ko, hanggat may isang linggo pa akong bakasyon.

(via somefoolcalledcasey)

When you really want to slap someone, do it and say “MOSQUITO”!

  June 02, 2012 at 07:03am
via

Siguro panahon na para mag-seryoso.

Naisip niyo na ba magseryoso sa buhay. ‘Yong tipong gusto niyo na maging sigurado na lahat ng magiging decision and choice mo sa buhay. Parang ayaw mo na magpa-banjing banjing, dahil naisip mo na maging mas better ang mga happenings sa buhay mo. Naisip mona dapat ka ng mag-mature, naisip mo na matanda ka na at dapat maging responsable ka na sa sarili ko. Naisip mo din na dapat maayos ang maging resulta ng paghihirap ng mga magulang mo sa pagpapa-aral sayo. Naisip mo din na dapat mas maging mabuti kang anak sa kanila, para hindi sila madissapoint sayo. Naisip mo na din maging independent, ‘yong tipong kakayanin mo ang sarili mo kahit magisa ka lang. Oo kailangan natin ng kasama pero naisip mo din ba na mas maganda rin ‘yong natututo kang tumayo sa sarili mo.

Naisip mo din ba na tumatanda ka na, at malapit ka ng magkaroon ng responsibilidad sa pamilya at magulang mo. Naisip mo din na sana maging proud naman sayo ang mga magulang mo. Naisip mo din na sana maging successful ka gaya ng magulang mo. Gusto mo din maging seryoso sa mga bagay-bagay. Sa mga kaibigan mo, naisip mo na hindi tama ang pagka-cut ng class, naisip mo na nasasayang ‘yong mga lessons na hindi mo naitetake. Naisip mo din na sayang ang binabayad ng magulang mo per unit sa bawat subjects mo kung ibabagsak mo lang. Naisip mo din na ang hirap balikan ng mga subjects mo, kaya naisip mo na magseryoso na.

Naisip mong ang sarap sarap ng nagseseryoso ka sa buhay mo dahil sa pagseseryoso mo alam mong may mararating lahat ng hirap ko. Naisip mo din na sayang ‘yong mga panahon na nasayang dahil hindi ka nagseryoso. Kung sana noon mo pa to naisip diba. Edi mas maganda.

When you’re so close to someone, you can hear their voice in your head when you read their texts.

dalemonyo:

BOY: Hon, pakamot ng likod ko.
GIRL: Teka mangungulangot lang ako. 

(via beben-eleben)

  June 02, 2012 at 06:39am

Ang pulitikong naiipit, sa wheelchair kumakapit.

pilyangpogi asked: Hi, Thankyou! :")

WC.

  May 29, 2012 at 07:34am

sweetladyanah asked: Yup. Incoming 3rd year :) Good luck sa Sophomore year mo! :') Saan ka nag-aaral? :)

Bataan Peninsula State University po.

  May 28, 2012 at 07:18am

Hindi lahat ng nanlalait ay INSECURE, masama ba mag DESCRIBE?

metalonmetalblog:

Body Bakery: Bread imitating Gore  by Kittiwat Unarrom

This brings weird to a whole new level. Thai Fine Art student and artist Kittiwat Unarrom is the son of a baker. All that baking exposure growing up has been a clear influence, but his artistic need to see things a little differently definitely flared up as he created the tacitly named “Body Bakery” – brutally, gruesomely, almost unbelievably realistic looking sculptures of dismembered human body parts sculpted entirely from bread.

With a master in Fine Arts Kittiwat Unarrom creates sculpture in bread. Not just normal sculpture but horror, dark art, gore, something I don’t know if I could actually eat. Located in Ratchaburi, Thailand Kittiwat creates feet, hands, heads, and internal organs among other body parts all entirely edible and for sale at his family’s bakery. He skillfully paints each piece to look terrifying to the observer/customer.

(via beben-eleben)

Mahirap magalit sa kaibigan.

Sobra, hindi ko alam.

Pare-pareho lang nating gustong makakita ng taong mamahalin tayo at hindi sasaktan, hindi masamang mangarap, mahirap lang talaga.

Panibagong hamon.

Nakaalpas na din ako sa unang taon. Pilit na pipilitin maka-alpas sa pangalawang taon papuntang sa ikatlo. Sana magawa ko. Wala na akong kasama ngayon, karamihan sa kasamahan ko nag-si-suko na. Napapaisip nga ako, kaya naman nila pero ba’t ayaw nila ituloy. Ano ba naman ‘yong mag-try eh. Eh ayaw na daw nilang masayang ‘yong taon nila. Hindi na daw nila kaya. Sabi ko, eh ano pa ako, kinakaya ko lang naman din ahh.. Eh sa ala na akong magagawa kundi ituloy mag-isa, na-hiwalay kasi ako ng klase sa mga dati kong kaklase. Na-late kasi ng enrol.


Sa tingin ko naman eh ayos lang dahil matututo akong mag-isa. Pero not to the point naman na hindi na ako makiki-socialize. Try ko lang matutong mag-isa, ‘yong walang kasama, barkada. Tingin ko kasi this will be the way for me to be an independent one. Sa tingin ko lang naman, pero malay ko ba pagdating ng pasukan. Sa bagay, madali namang gumawa ng kasama as long as friendly ka. Pero siyempre iba pa din ‘yong kasama mo sila. Alam ko naman hindi ko makakaya ang Accounting ng ako lang mag-isa kailangan ko din siyempre ng kasama, hindi naman ako masyadong matalino para maintindihan lahat. Pero i’ll try to be nice to all my new classmates, I hope they cooperate. :) Joke.


Pero mas maganda na rin siguro talaga ‘to para makabuo ulit ng panibagong friendships, panibagong study habits, panibaging impression. Ang sarap kaya magsimula ulit ‘yong tipong lahat babaguhin mo for the better.


Basta one thing na gusto kong ma-achieve ngayon ay for me to be more mature enough to be an independent one, not only for me but for my family. Basta ang hirap i-explain, basta I want my family to be proud of me. ‘Yon lang, :)

polengtohim asked: Hello :)) Thanks :)

Hello, welcome!

  May 26, 2012 at 08:44am